^

Probinsiya

Tanod, 4 pa dinakma sa ‘drop ball’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Limang katao kabilang ang isang barangay tanod ang dinakip ng mga awtoridad matapos maaktuhan na nagsusugal sa pamamagitan ng drop ball sa Purok  2, Barangay Baan, Aritao, dito sa lalawigan, ­kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Ranser Evasco ang mga nadakip na suspek na sina Jonathan Bautista, 38, isang  Barangay Ta­nod at Ronaldo Danggol, kapwa residente ng Barangay Baan; Garry Sa­bino at Oliver ­Danghale, residente naman mula sa bayan ng Kayapa at Alexon Sanu-an, residente ng Bambang sa lalawigang ito.

Nakuha mula sa mga suspek ang 119 pulang baraha, 1 card holder, 4 na box na bagong mga baraha, 3 drop balls, 115 chips, 5 drop ball cards at bet money na P698.00.

Ang nadakip na mga suspek na nahaharap sa PD 1602 ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Aritao PNP. 

vuukle comment

RANSER EVASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with