^

Probinsiya

Mag-asawang minero nalibing nang buhay!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang minero nalibing nang buhay!
Kinilala ng Itogon Police ang mga biktima na sina Nestor Talangcag, 54, at kanyang misis na si Maureen, 57, kapwa residente ng Beda, Loacan, Itogon.
STAR/ File

Landslide rumagasa habang naghahanap ng ginto

ITOGON, Benguet, Philippines — Isang mag-asawang minero ang nalibing nang buhay matapos na matabunan ng mga putik at bato nang gumuho ang bundok malapit sa may Antamok River sa Brgy. Loacan, Itogon, ang mi­ning town ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng Itogon Police ang mga biktima na sina Nestor Talangcag, 54, at kanyang misis na si Maureen, 57, kapwa residente ng Beda, Loacan, Itogon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:45 ng umaga nitong Martes nang maganap ang pagguho ng lupa sa naturang lugar.

Nabatid na kasaluku­yang abala ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na lalaki sa paghahanap ng ginto sa may river bank nang biglang gumuho ang bundok hanggang sa mabagsakan sila ng mga lupa at bato mula sa itaas.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawa pang makaiwas ng mag-asawa at natabunan habang ang kanilang anak ay nakatakbo at nakaligtas sa insidente.

Nagsasagawa na ng search and retrieval ­operation ang mga awtoridad upang mahanap ang katawan ng mag-asawa.

vuukle comment

NESTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with