^

Probinsiya

Bayan sa Apayao ni-lockdown, 1 kaso ng Delta variant naitala

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Bayan sa Apayao ni-lockdown, 1 kaso ng Delta variant naitala
Police and barangay officers man the entry and exit points of Barangay 297 in Manila at Monday midnight, March 22, 2021 after it was placed under a four-day lockdown along with 12 other barangays.
The STAR/Miguel de Guzman

BAGUIO CITY , Phiilppines – Inilagay kahapon sa lockdown ang bayan ng Pudtol sa Apayao upang makapagsagawa ng agresibong mass testing at heigh­tened contact tracing matapos na kumpirmahin ng Apayao Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) na nakapasok na rin ang Delta Variant ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito ay matapos na ipagbigay-alam ng Phi­lippine Genome Center (PGC) nitong Agosto 6 ang resulta ng kanilang pagsusuri sa isang pas­yente na na-infect ng Delta variant noong nakalipas na linggo ng Hulyo.

Sinabi ng Department of Health (DOH) Cordillera na bagama’t nakarekober na ang nasabing pasyente, magsasagawa pa uli ng beripikasyon ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) team kabilang dito ang paghahanap nila sa mga naging close contacts ng pasyente.

Tiniyak naman ni Apayao Governor Eleanor Bulut-Begtang sa kanilang mamamayan na kontrolado pa rin nila ang sitwasyon sa lalawigan.

Sinabi Begtang na ang PIATF at ng Pudtol IATF ay nagsasagawa ng malawakang paghahanap sa mga indibiduwal na nakasalamuha ng naturang Delta variant patient at ipasailalim sila sa RT-PCR testing.

vuukle comment

LOCKDOWN

PGC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with