^

Probinsiya

5 tanod sa Bulacan timbog sa droga, kagawad nakatakas

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasakote sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang limang tanod kasama ang tatlong iba pa habang nakatakas ang kanilang barangay kagawad sa inilatag na anti-illegal drug operation sa Barangay Look 1st kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, hepe ng Malolos City Police, kinilala ang limang nadakip na tanod na sina Joseph Burayag, 46-anyos; Ranel Lopez, 46; Randy Lopez, 36; Rolando Cando, 49; Sonny Magugat; Mark Anthony Agustin; Carlo Garcia at Arjay Feliciano, pawang mga residente ng naturang barangay.

Positibong itinuro ng mga tanod si Brgy. Kagawad Rodel Adriano, alyas “Kagawad Bude” na kanilang kasama sa paggamit ng shabu na nagawang makapuslit bago pa dumating ang mga pulis.

Ayon sa ulat, may impormasyon ang Malolos Police sa paggamit at pagbenta ng ilegal na droga sina Brgy. Tanod Randy Lopez at Mark Anthony Agustin.

Bandang alas-12:40 ng madaling araw nang ilatag ng Malolos Police ang isang buy-bust operation laban sa mga suspek na aktong gumagamit ng shabu sa bahay ni Agustin kasama ang nasabing kagawad.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, marked money at mga drug paraphernalia.

Tinutugis na ng pulisya si Kagawad Rodel Adriano.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with