^

Probinsiya

Van, sumalpok sa barrier, 1 tepok, 3 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nauwi sa malagim na trahedya ang papauwi na sanang magkakaibigan makaraang sumalpok sa concrete barrier at lumipad bago ilang ulit na nagpagulong gulong ang sinasakyang van na agad ikinasawi ng driver at ikinalubha ng 3 pang kasama, kahapon ng madaling araw sa Molino-Paliparan Rd, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Pedro A. Valenciana Jr, nasa hustong gulang, nagmamaneho ng L300 van, habang kritikal at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang 3 pang kaibigan nito na nakilalang sina Beltran Tupagan Jr., 32, Rodney Purta, 47 at isang nakilala pa lamang sa alias na Junnel, pawang mga residente ng GMA, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos,  alas-5:30 ng mada­ling araw ng maganap ang insidente kung saan sakay ang mga biktima ng Mitsubishi L300 na may plate # UVO 578.

Ayon sa pulisya, pauwi na sana ang mga ito galing sa isang kasiyahan ng sumalpok umano sa konkretong barrier na nasa gilid ng kalsada ang sinasakyang ng mga ito at dahil may kabilisan ang patakbo, lumipad ito bago ilang beses na nagpagulong-gulong hanggang makarating sa damuhan.

Humataw umano palabas sa windshields ng sasakyan si Valenciana habang naipit ang iba sa loob ng van.

May ilang oras pa bago nadala sa pagamutan ang mga ito habang dead-on-the-spot sa insidente si Valenciana.

Ayon sa pulisya, mga nakainom umano ang mga ito at malamang na nakatulog ang nagmamaneho kaya naganap ang insidente.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with