^

Probinsiya

73-anyos na biyuda pinagtataga ng anak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BURDEOS, Quezon , Philippines — Isang 73-anyos na biyuda ang agaw-buhay makaraang pagtatagain ng sariling anak dahil lamang sa tubig kamakalawa ng umaga sa Barangay Calutcot ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ligaya Delos Santos, habang naaresto naman ang anak niyang si Randy, 38, binata.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga ay inutusan ng biktima ang kanyang anak na palamigin ang pinainit niyang tubig subalit nagalit ang huli at nakipagtalo pa sa ina.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng gulok ang suspek at pinagtataga sa likurang bahagi ng ulo ang ina.

Bagama’t sinisigawan na ang suspek ng kanilang mga kapitbahay ay patuloy ito sa pananaga sa ina hanggang sa pagbabatuhin na siya at nang mabitiwan ang gulok ay pinagtulungang dalhin sa presinto habang ang biktima ay mabilis na isinugod sa Polilio Medicare Clinic.

vuukle comment

BIYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with