^

Probinsiya

Raid nauwi sa engkuwentro: 4 todas

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Raid nauwi sa engkuwentro: 4 todas
Sinabi ni Lt. Col. Alaric Avelino delos Santos, spokesman ng AFP Western Mindanao (AFP-Westmincom), naganap ang sagupaan nang salubungin ng mga suspek ng putok ang raiding team ng 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police kamakalawa ng hapon habang isinisilbi nila ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa wanted na si Tho Catucan ng Purok 1, Brgy. Sumbakil, Polomolok.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng lawless elements ang napaslang habang nagbuwis din ng buhay ang isa sa dalawang asset ng tropa ng pamahalaan sa isinagawang pagsalakay na nauwi sa engkuwentro sa Brgy. Sumbakil, Polomolok, South Cotabato, ayon sa report ng militar kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Alaric Avelino delos Santos, spokesman ng AFP Western Mindanao (AFP-Westmincom), naganap ang sagupaan nang salubungin ng mga suspek ng putok ang raiding team ng 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police kamakalawa ng hapon habang isinisilbi nila ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa wanted na si Tho Catucan ng Purok 1, Brgy. Sumbakil, Polomolok.

Si Catucan na wanted sa mga kasong murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ay miyembro rin umano ng ISIS ins­pired terrorist group na “Soccksargen Khatiba”.

Nasapol umano ng bala si Catucan at dalawang kasama na kinilalang sina Jer Maguisilan ng Brgy. Sumbakil at Rabino Kutin, 29, ng Brgy. Datal Bob, T’boli, South Cotabato kaya isinugod sila sa Polomolok Municipal Hospital pero pawang idi­neklarang dead-on-arrival.

Minalas ding tamaan ng bala sa bakbakan ang dalawang asset ng militar na ikinasawi ng isa habang nila­lapatan ng lunas ang kasama..

Narekober sa lugar ang isang cal. 45 pistol at isang 9mm Uzi sub-machine pistol.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with