^

Probinsiya

Tirador ng 50 manok, nalambat

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Tirador ng 50 manok, nalambat
Ayon sa San Leo­nardo Police, nadakip ng mga alertadong ban­­tay-bayan ang suspek na si Ronnie Boy Santiago, 28, binata ng nasabing lugar habang mala-palos na na­ka­lusot ang kasama nitong si Joselito Longa­long alyas “Totoy” ng nasabi ring lugar.
STAR/File

NUEVA ECIJA, Philippines — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki habang nakatakas ang kanyang kasabwat sa pagnanakaw umano ng nasa 50 buhay na manok sa Brgy. Tambo Adorable, sa bayan ng San Leonardo, dito, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa San Leo­nardo Police, nadakip ng mga alertadong ban­­tay-bayan ang suspek na si Ronnie Boy Santiago, 28, binata ng nasabing lugar habang mala-palos na na­ka­lusot ang kasama nitong si Joselito Longa­long alyas “Totoy” ng nasabi ring lugar.

Nakilala naman ang biktima na si Alberto Juatchon, 50-anyos, negosyante ng nasabi­ ring barangay na ni­nakawan ng dalawang suspek ng tinatayang 50 kataying manok na nagkakahalaga ng P10,000.

Ayon sa pulisya, bandang alas-12:10 ng madaling-araw ay nagising ang biktima sa ingay ng mga manok at nang kanyang tingnan ay nakita ang dalawang suspek na isinasako na ang kanyang mga alagang manok at mabilis na sumibad.

Agad na tumawag ang biktima ng naka-duty na BPAT ng barangay at nahuli ang isang suspek at nabawi rin ang mga manok na kanilang ninakaw.

vuukle comment

MANOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with