^

Probinsiya

3 miyembro ng pamilya minasaker ng mga kaanak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa away sa lupang minana

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng tatlong miyembro ng pamilya matapos silang katayin at pagbabarilin ng kanilang sariling mga kamag-anak matapos na mauwi sa malagim na masaker ang pagtatalo sa pinag-aagawan nilang lupain sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur nitong Sabado.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Alexander Rentoria, 62-anyos; Miral Rentoria, 54, at Noel Rentoria, 38-anyos; pawang mga residente ng Brgy. Beberon, San Fernando ng lalawigang ito.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng mga taga at tama ng bala sa katawan na siyang agarang tumapos sa kanilang buhay.

Pinaghahanap naman ang mga suspek sa krimen na sina Lauro Rentoria at Larry Rentoria, 38; mga residente ng Brgy. Bocal ng nabanggit ring bayan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, nangyari ang krimen sa nabanggit na lugar bandang alas-7 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang mga suspek at mga biktima dahil sa pinag-aagawan­ nilang pamanang lupain na nauwi hanggang sa mag­labas ng mga itak at baril ang mga suspek at isa-isang pinatay ang mga walang kalaban-labang kaanak.

Matapos ang pagpatay, tumakas ang mga suspek dala ang mga sandatang ginamit sa krimen.

vuukle comment

ALEXANDER RENTORIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with