^

Probinsiya

12-wheeler bawal pang dumaan sa Candaba viaduct

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Hindi pa mapapadaanan sa kahabaan ng Candaba Viaduct ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga 12-wheeler trucks habang nagpapatuloy ang serye ng mga retrofitting.

Ayon kay Luigi Bautista, pangulo ng NLEX Corporation na konsesyonaryo sa operasyon at modernisasyon ng North Luzon Expressway (NLEX), nagpapatuloy ang serye ng mga ginagawang retrofitting o lalong pagpapatibay sa istraktura ng limang ki­lometrong viaduct. Ito ang pinakamahabang tulay sa NLEX na tumatawid sa hangganan ng Bulacan at Pampanga.

Kaugnay nito, lahat ng mga 12-wheeler trucks na dumaraan sa NLEX na galing sa hilaga ay pinapapasok sa San Simon Exit upang bumagtas sa Manila North Road hanggang makalabas sa Tabang Entry sa Guiguinto.

Dahil dito, tiniyak ni DPWH First Bulacan District Engr. Henry Alcantara na walang anumang road obstructions sa bahagi ng Manila North Road na magiging detour o alternatibong ruta ng mga 12-wheeler trucks na hindi muna pararaanin sa Candaba viaduct.

Para sa mga 12-wheeler trucks na galing sa Metro Manila na papunta sa direksiyong hilaga, pinapapasok ang mga ito sa Pulilan Exit upang makarating sa Manila North Road sa Calumpit, hanggang makapasok ulit sa NLEX sa pamamagitan ng San Simon Entry.

Samantala, ang mga 10 wheeler trucks, mga bus at mga maliliit na sasakyan ay uubrang makadaan sa Candaba viaduct. Target na matapos sa Disyembre 2020 ang bahagi ng proyekto sa southbound ng viaduct.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with