^

Probinsiya

Anak, 16-taong ‘sex slave’ ng ama, inanakan pa ng 5

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Anak, 16-taong �sex slave� ng ama, inanakan pa ng 5
Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, nagsumbong sa kanila ang biktima na itinago sa pangalang Mona dahil sa panggagahasa ng sariling amang si alyas Mauro nitong kasagsagan ng bagyong Rolly.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Dahil sa tulong ng pulisya, naiahon sa tuluyang pagkakalugmok sa masa­mang kapalaran ang isang 33-anyos na babae na ginawang sex slave ng sariling ama at inanakan pa ng lima matapos na maaresto ng pulisya ang huli kamakalawa ng hapon, dito.

Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, nagsumbong sa kanila ang biktima na itinago sa pangalang Mona dahil sa panggagahasa ng sariling amang si alyas Mauro nitong kasagsagan ng bagyong Rolly.

Sa himpilan ng pulisya, natuklasan sa salaysay ng biktima na 16-taon na siyang ginawang “sex slave” ng sariling ama at ang pinakaunang panghahalay ay ginawa noong siya ay 18-taong gulang lamang.

Hindi umano siya makapagsumbong sa ina sa takot na totohanin ang bantang papatayin silang lahat ng kanyang ama hanggang mamuhay sila na parang mag-asawa at naanakan pa ng lima, na ang dalawa sa mga bata ay nasawi sa sakit.

Sa sobrang pagkaawa sa sarili at mga anak kung kaya’t nagkaroon ng lakas ng loob ang bik­tima na isuplong na sa mga awtoridad ang kahayupan ng sariling ama.

Mabilis na inatasan ni Albacea ang kanyang mga operatiba na arestuhin ang suspek na nakumpiskahan pa ng isang kalibre 38 paltik na may kasamang apat na bala.

vuukle comment

SEX SLAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with