^

Probinsiya

Cybersex den ni-raid: 19 arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ng awtoridad ang 19 katao kasama ang nagsisilbi umanong pasimuno sa isang hinihinalang cybersex den matapos ang isinagawang pagsalakay sa Barangay III, San Fernando City, La Union kama­kalawa.

Sa report ng Ilocos Regional Anti-Cybercrime Unit, kinilala ang isa sa mga naaresto na sinasabing nagpapatakbo ng sindikato na si Andrea Amor Torres na kinasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998). Kasama niyang mahaharap sa kaso ang mga babae na naaktuhang nagsasagawa ng malalaswang kilos sa harapan ng computer.

Ayon sa mga impormante, karamihan sa mga suki ng mga inarestong cybersex-chatters ay mga banyagang matatanda na nakahiligang manood ng mga nilalarong ari sa harapan ng camera.

Isinagawa ang raid sa bisa ng warrant na ipina­labas ni San Fernando City RTC Executive Judge Asuncion Fikingas-Mandia.

Isang server, 22 computer units at mga sex toys ang kinumpiska ng mga pulis bilang ebidensiya.

vuukle comment

CYBERSEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with