^

Probinsiya

106-anyos lolo na may COVID-19, nakarekober na

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

Pinakamatandang nahawaan sa bansa

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines  — Nakarekober at pinauwi na sa ospital ang sinasabing pinakamatandang lolong tinamaan ng COVID-19 sa bansa sa edad na 106-anyos na mula sa Baguio City kahapon.

Ayon kay City Health Services Officer Rowena Galpo, nakalabas sa Baguio General Hospital and Medical Center ang pasyenteng lolo kahapon, Oktubre 20, matapos ang 11-araw na pagkaka-confine.

Ang nasabing pas­yente ay sumailalim sa swab test matapos na makaranas ng mild na sintomas ng pag-ubo at hirap sa paghinga, at nagpositibo sa virus noong Oktubre 9.

Dahil hindi natukoy ang pinagmulan ng impeksiyon ng matanda na umano’y hindi naman lumalabas ng bahay, inilagay ni Mayor Benjamin Magalong sa lockdown ang tinitirhang lugar ng una sa Barangay Irisan. Aniya, marahil ay may nakasalamuhang parokyano na carrier ang lolo na sa kanyang edad ay gumagawa pa rin ng walis-tambo bilang kabuhayan.

Bukod sa katandaan ay may araw-araw na maintenance medicine ang matanda para sa puso at altapresyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with