^

Probinsiya

6 Chinese, 2 Vietnamese nasagip sa prostitution den

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
6 Chinese, 2 Vietnamese nasagip sa prostitution den
Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang walong dayuhang na-rescue habang nadakip ang mga Chinese nationals na umano’y maintainer ng mga umano’y prostitution den na sina Fu Yi Nei, 26; Iuo Ying, 25; Hu Yu Lin, 30; Wa Ng Ji Yi, 30; Liu Lin Feng, 34 at Qui Shi Kai, 30.
Edd Gumban

ANGELES, Philippines — Nasagip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na Chinese at dalawang Vietna­mese­ nationals nang salakayin ang ilang condominium na ginagamit umano na prostitution den sa Angeles City, Pam­panga.

Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang walong dayuhang na-rescue habang nadakip ang mga Chinese nationals na umano’y maintainer ng mga umano’y prostitution den na sina Fu Yi Nei, 26; Iuo Ying, 25; Hu Yu Lin, 30; Wa Ng Ji Yi, 30; Liu Lin Feng, 34 at Qui Shi Kai, 30.

Sa report, dakong 2:30 ng madaling nang salakayin ng mga ele­mento ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) at Department of Social Welfare­ and Development (DS­WD) ang Condo Nos. 5202, 5203, at 5204 sa loob ng isang kilalang hotel at villas sa Clark Freeport Zone.

Ang operation ay inilunsad matapos na makatanggap ng mga report ang CIDG na ang mga nasabing con­dominium units ay ginagamit na prostitution den ng mga dayuhan.

Narekober ang mark money na ginamit sa ope­rasyon.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with