^

Probinsiya

2 ‘tulak’utas sa shootout, 28-kilong droga samsam

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak�utas sa shootout, 28-kilong droga samsam
Ayon kay Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, na nagpaputok ang mga nakilala lamang sa alyas na “Dickson” at “Romy” nang makatunog na pulis ang kanilang ka tran­saksyon sa Brgy. Sto. Niño 3rd dakong alas-9:30 ng gabi.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga na dumayo pa sa Benguet ang bumulagta sa shootout nang pu­malag sa buy-bust operation na ikinasamsam ng nasa 28 kilong marijuana ng mga awtoridad sa San Jose City, Nueva Ecija noong Linggo.

Ayon kay Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, na nagpaputok ang mga nakilala lamang sa alyas na “Dickson” at “Romy” nang makatunog na pulis ang kanilang ka tran­saksyon sa Brgy. Sto. Niño 3rd dakong alas-9:30 ng gabi.

Napatay noon din ang dalawang suspek na nakuhanan ng tig-isang cal. 38 revolver at buy-bust money.

Narekober din ang 28 cylindrical packages ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 28 kilo at nagkakahalagang P3 milyon sa loob ng berdeng van na may plakang RBC 993 na gamit ng mga napatay na suspek. Napag-alamang inani sa Kibu­ngan, Benguet ang mga nasamsam na marijuana.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with