^

Probinsiya

Mag-asawa pinasok sa bahay, pinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa pinasok sa bahay, pinatay
Kapwa dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang sina Lowel Dimapilis, 39-anyos, tricycle dri-ver at misis nitong si Madelyn, pawang residente ng Block 10, Lot 79, Phase 3 Extension Green Estate Subd. sa Brgy. Malagasang ng nasabing siyudad.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Binistay ng bala ang isang mag-asawa makaraang pasukin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa kanilang tahanan sa Imus City, Cavite nitong Martes ng gabi.

Kapwa dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang sina Lowel Dimapilis, 39-anyos, tricycle dri-ver at misis nitong si Madelyn, pawang residente ng Block 10, Lot 79, Phase 3 Extension Green Estate Subd. sa Brgy. Malagasang ng nasabing siyudad.

Sa ulat ni Police Cpl. Jessie Villanueva ng Imus Municipal Police Station (MPS), dakong alas-10 ng gabi habang nagpapahinga na ang mag-asawa sa kanilang kuwarto nang pasukin sila ng hindi pa kilalang kalalakihan na armado ng cal. 45 pistol.

Agad na pinagba­baril ng mga suspect ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nang masiguro na patay na ang mag-asawa ay saka lang tumakas ang mga salarin patungo sa hindi batid na direksyon.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Cavite Police Provincial Office (PPO), nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Bago ang pamamaslang, ilang kahina-hinalang kalalakihan ang nakitang gumagala sa lugar.

vuukle comment

JESSIE VILLANUEVA

LOWEL DIMAPILIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with