4 ‘tulak’ todas sa drug ops
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa tatlong lugar, dito sa lalawigan kahapon ng umaga.
Sa bayan ng San Ildefonso, napatay si Jerik Bartolome, 24-anyos ng Brgy. Daang Bakal dakong alas-6:00 ng umaga nang manlaban umano mga pulis sa buy-bust operation sa Brgy. Malipampang.
Napatay naman si alias Ricky dakong ala-1:11 ng madaling araw sa operasyon sa Brgy. Sto. Cristo, Baliuag, Bulacan.
Narekober sa mga suspek ang 18 piraso ng plastic sachet ng shabu, dalawang cal .38 revolver at buy-bust money.
Sa siyudad ng San Jose del Monte, napatay rin sina Ricardo Donsol at alias “Jonas” sa inilatag na buy-bust sa Brgy. Minuyan at Assumption dakong alas-3:45 ng madaling araw. Narekober sa dalawa ang 29 plastic sachet ng shabu, 2 cal .38 revolver, drug paraphernalia at buy-bust money.
- Latest