Judge itinumba ng tandem
MANILA, Philippines – Patay ang isang hukom makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng kotse at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Mameltac, San Fernando City, La Union nitong Martes ng hapon.
Ang biktima na kinilalang si Tagudin, Ilocos Sur Judge Mario Anacleto Bañez, 54 anyos ay idineklarang dead-on-arrival sa Bethany Hospital sa San Fernando City sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, alas-5:40 ng hapon habang lulan ng kanyang kulay itim na Hyundai Accent (ACL-1508) pauwi na sa kanilang tahanan nang buntutan at dikitan ng dalawang magkaangkas na lalaki. Ilang saglit pa ay biglang bumunot ng armas ang backrider saka walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ang hukom saka sila tumakas.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang nasabing huwes pero na-bigo nang maisalba ang buhay nito.
Bago ang krimen, nakatanggap umano ng death threats ang biktima.
Pinaniniwalaang may kinala- man sa mga desisyon sa mga sensitibong kasong hinawakan ng biktima ang motibo ng krimen.
- Latest