^

Probinsiya

‘Tulak’ bulagta sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� bulagta sa buy-bust
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga elemento ng anti-illegal drug unit ng Gapan City Police sa pamumuno ni P/Major Joel Dela Cruz, sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA-Region 3.

GAPAN CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —  Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraang manlaban umano sa pulisya sa isi­nagawang buy-bust operation sa Barangay Mangino ng lungsod na ito, kamakalawa. Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda De Guzman, hepe ng pulisya rito, ang nasawing suspek na si Manolito Calob, nasa hustong edad, ng Barangay Dicarma, Cabanatuan City.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga elemento ng anti-illegal drug unit ng Gapan City Police sa pamumuno ni P/Major Joel Dela Cruz, sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA-Region 3. 

Nang magkaabutan na umano ng pera at droga, bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at ipinutok sa tropa ng pulisya. Masuwerte umano at walang tinamaang pulis na gumanti ng putok at nasapol ng bala si Calob na agad na nasawi. Isang plastic sachet ng umano’y shabu ang nakuha sa suspek, baril nito na caliber .38 revolver at P500 buy-bust money.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with