^

Probinsiya

Hepe ng PNP-12 health services sibak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng PNP-12 health services sibak
Ang na-relieve sa puwesto ay kinilalang si Lt. Col. Perfecop Yu na ngayon ay iniimbestigahan sa Camp Crame. Ha­halili sa kanyang naiwang puwesto si P/Lt. Col. Johanna delos Santos.

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang hepe ng Regional Health Services ng PNP-Region 12 matapos na mahuli sa entrapment operation ang isang tauhan nito na umano’y nangingikil ng P50,000 mula sa isang PNP applicant, iniulat kahapon.

Ang na-relieve sa puwesto ay kinilalang si Lt. Col. Perfecop Yu na ngayon ay iniimbestigahan sa Camp Crame. Ha­halili sa kanyang naiwang puwesto si P/Lt. Col. Johanna delos Santos.

Ang pagsibak kay Yu ay dahil sa command res­ponsibility matapos ang pangongotong umano ng kanyang tauhan na si P/Master Sergeant Arnel Abellera na nasa kustodya ng Kampo Lera habang sumasailalim sa pagsisiyasat makaraang ireklamo ng kapatid ng isang aplikante sa pagka-pulis na residente ng Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Matatandaang hinuli ng Integrity Enforcement Monitoring Group mula sa Camp Crame nitong Lunes si Abellera sa loob ng isang fastfood chain nang tanggapin nito ang marked money na ginamit sa entrapment operation.

Kapalit umano sa nasabing pera ang neu­ro examination result na isa sa requirements sa PNP recruitment.

vuukle comment

HEALTH SERVICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with