^

Probinsiya

Mag-utol na most wanted sa rape, arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Matapos ang 5 taong pagtatago, bumagsak sa kamay ng batas ang isang ama at kapatid nito na itinuturing na most wanted person ng lalawigang ito para sa kasong qualified rape.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Randy Pangilinan, no.4 sa most wan­ted person ng Brgy. Malpitik, San Fernando City, Pampanga at kapatid nitong si Rommel Pangilinan, no. 5 most wanted person ng Brgy. Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Unang naaresto si Randy sa isang mall sa siyudad ng Malolos dakong alas-5:45 kamakalawa ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Malolos Regional Trial Court branch 77 para sa kasong 2 counts of qualified rape samantalang si Rommel naman ay naaresto sa Brgy. Maimpis, San Fernando City, Pampanga ilang oras matapos maaresto si Randy sa bisa rin ng warrant of arrest para sa kasong 5 counts of qualified rape na ibinaba rin ng RTC branch 77.

Ang magkapatid ang siyang itinuturo ng menor-de-edad na si “Joy”, di tunay na pangalan na silang nanggahasa sa kanya noong 2014.

Si Joy ay ginahasa ng dalawang beses ng kanyang sariling ama na si Randy at matapos na ito ay pagsamantalahan ay ipinasa naman ito sa kanyang kapatid na si Rommel na limang beses naman siyang ginahasa.

vuukle comment

ARRESTED FOR RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with