^

Probinsiya

SB secretary itinumba

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Patay ang isang secretary ng Sangguniang Barangay matapos pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na gunman habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Gaggabutan West noong Huwebes.

Ang nasawing SB secretary ng Rizal, Caga­yan ay kinilalang si Romel Caliboso, 43-anyos, residente ng Brgy, Batu, sa naturang lugar.

Sinabi ni Police M/Sgt. Roderick Diamsay na pauwi na sa kanilang tahanan ang biktima angkas ang pinsang si Louie Talay, 32 nang harangin at ratratin sila ng killer dakong alas-5:20 ng hapon.

Kumaripas ng takbo palayo si Talay matapos silang matumba sa sasakyan habang isinugod ng mga sumaklolo si Caliboso sa Tuao District Hospital kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Dalawang basyo ng bala ng cal .45 na baril ang narekober ng mga otoridad sa crime scene habang inaalam pa ang nasa likod at motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with