^

Probinsiya

Ex-pulis, 3 escort todas sa tandem

Pilipino Star Ngayon
Ex-pulis, 3 escort todas sa tandem
Kapwa bulagta ang tatlong umano’y escort ng isang da­ting pulis na si Herodias Herbieto, na napatay din matapos silang ratratin ng riding-in-tandem sa Consolacion, Cebu kamakalawa. (Consolacion Police)

MANILA, Philippines — Isang dating pulis at tatlo umanong escort nito na sangkot sa illegal na droga ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Consolacion, Cebu kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Herodias Herbie­to, dating pulis; Adrian Cabinelas, Joel Cabardo at isang hindi pa natutukoy ang pangalan.

Ang apat ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklara silang mga patay ng mga sumuring doctor.

Sa ulat ng pulisya, si Herbieto ay kakala­gak lamang ng kanyang piyansa sa korte dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Mandaue City Hall of Justice habang ang tatlong kasamahan ay kasapi umano ng gun-for-hire at drug user.

Lumalabas na habang lulan ni Herbieto ng motorsiklo at angkas ang kanyang misis pauwi sa Brgy. Cabangahan nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek. Masuwerte namang hindi tamaan ang misis nito.

Pinagbabaril din ang tatlong escort umano ni Herbieto na magkakaangkas sa isang motorsiklo na sanhi rin ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

COPS KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with