^

Probinsiya

Drug raid: 4 ‘tulak’ huli sa P.4-M droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Drug raid: 4 �tulak� huli sa P.4-M droga
Kinilala ang mga suspek na sina Ian Borromeo, ng Brgy. Sabang; Richie Bambe at magkapatid na Shiela Del Rosario at Emmelyn Del Rosario, pawang ng Brgy. Penaranda at lahat ay miyembro ng nasabing drug group.
KJ Rosales

LEGAZPI CITY, Albay – Natimbog ang apat na katao kabilang ang magkapatid na babae na sinasabing mga miyembro ng kilabot na “San Roque-Penaranda Drug Group” matapos na masamsaman ng mahigit P400,000 halaga ng droga sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis, militar, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Sabang at Brgy. Pena­randa sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Ian Borromeo, ng Brgy. Sabang; Richie Bambe at magkapatid na Shiela Del Rosario at Emmelyn Del Rosario, pawang ng Brgy. Penaranda at lahat ay miyembro ng nasabing drug group.

Sa ulat, dakong alas-11:35 ng gabi nang isagawa ang search warrant operation ng mga kasapi ng Philippine Army, Philippine Navy, NBI, at PDEA sa pangunguna ni PDEA Regional Director Christian Frivaldo at natapos dakong alas-2 ng mada­ling araw.

Unang sinalakay ang bahay ni Borromeo at magkasabay na ni-raid ang mga bahay nina Bambe at magkapatid na Del Rosario. Nakuha sa mga suspek ang 23 sachet ng shabu na nasa 65-gramo at may hala­gang P440,000.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with