^

Probinsiya

3 Lumad minasaker sa farm!

Mer Layson, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
3 Lumad minasaker sa farm!
Kinilala ni Caraga Police Director, P/Chief Supt. Gilberto Cruz at ng Buenavista Municipal Police ang mga biktimang sina Alfredo Tomaquin Sr, 61; Paka Pinatugaw, 47; at Pina Pinatugaw, 48, pawang lalaki, at residente ng Sitio Bagang, Brgy. Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tatlong magsasa­kang Lumad na kabilang sa Higaunon at Dagatnon tribes ang patay nang pagtatagain at pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa area ng Buenavista sa Agusan del Norte, iniulat kahapon.

Kinilala ni Caraga Police Director, P/Chief Supt. Gilberto Cruz at ng Buenavista Municipal Police ang mga biktimang sina Alfredo Tomaquin Sr, 61; Paka Pinatugaw, 47; at Pina Pinatugaw, 48, pawang lalaki, at residente ng Sitio Bagang, Brgy. Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte.

Iniutos na ni Cruz ang malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa tatlong magsasaka.

Sa naantalang ulat ng pulisya, natuklasang noong Nobyembre 6, 2018 ay nagtungo ang mga biktima sa bukirin ng Koreanong si Wang Gew Ryoo, sa Sitio Labong, Brgy. Simbalan, ngunit hindi na sila nakauwi kinagabihan.

Laking paghihinagpis naman ng kanilang mga kaanak nang madiskubre na lamang ang kanilang mga bangkay na tadtad ng taga at mga tama ng bala ng M16 rifle ki­nabukasan, ng anak ni Alfredo na si Danilo Tomaquin.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-7:00 ng umaga noong Miyerkules. Dalawa rito ang nakitang magkalapit na nakahandusay habang ang isang bangkay ay nasa 50 metro ang layo. 

Narekober ang nasa 23 bala sa crime scene habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang at kung sino ang nasa likod nito. 

“The Police Regional Office 13 strongly condemns the Lumad killings perpetrated by the NPA rebels. Justice will be served to the family of the victims,” ani Cruz.

Nanawagan si Cruz sa sinumang may kaukulang impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek  na agad na maki­pag-ugnayan sa kanilang himpilan.  

vuukle comment

LUMAD KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with