Live-in partners timbog sa droga
MANILA, Philippines — Magkasama hanggang sa kulungan ang dalawang live-in partners na kabilang sa drug watch list makaraang maaresto sa isinagawang anti drug operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa dalawang barangay ng lungsod ng Lucena, sa lalawigan ng Quezon, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, unang isinagawa ang drug-bust operation sa mag-partner na sina Rodolfo ‘Rudy’ Simeria, 52, at Virginia Almonicar, 45 sa Purok Filipos, Calmar Homes Ph 4, Brgy. Kanlurang Mayao dakong alas-2:45 ng madaling araw. Nakumpiska buhat sa kanilang pag-iingat ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money at paraphernalias.
Alas-4:30 naman ng umaga sa Purok Sampaguita, Zaballero Subd., Brgy. Gulang-Gulang, nasakote matapos ang buy-bust operation ang live-in partners na sina Michael John Jaca at Rosabelle Bamban, pawang nasa hustong gulang.
Siyam na pakete ng shabu ang nakumpiska mula sa mga ito, P500 marked money, weighing scale at drug paraphernalias.
- Latest