^

Probinsiya

TRO vs suspensyon ng Olongapo mayor inilabas

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon
TRO vs suspensyon ng Olongapo mayor inilabas
Sa 1-pahinang resolusyon na pinirmahan ni QC RTC-Branch 83 Judge Ralph Lee, inatasan nito ang DILG, partikular si Atty. Christopher Tiu na ihinto muna ang paghahain ng suspensyon sa loob ng labing limang araw para mabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang kampo ni Paulino sa kanilang argumento.

OLONGAPO CITY, Philippines — Napigilan pansamantala ang paghahain ng suspension order ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino makaraang maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court.

Sa 1-pahinang resolusyon na pinirmahan ni QC RTC-Branch 83 Judge Ralph Lee, inatasan nito ang DILG, partikular si Atty. Christopher Tiu na ihinto muna ang paghahain ng suspensyon sa loob ng labing limang araw para mabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang kampo ni Paulino sa kanilang argumento.

Si Mayor Paulino kasama ang bise alkalde nito na si Jhong Cortez at anim na konsehal ng lungsod ang hinatulan ng Office of the Ombudsman at inatasang bumaba sa puwesto dahil sa kuwestyonableng transaksyon sa pagitan ng SM Prime Holdings para sa pagpapatayo ng malaking mall nito sa lungsod.

Mismong si dating Olongapo City Mayor at ngayo’y Senador Richard Gordon at Rodalyn Haniff, staff ng dating mayor din at kapatid ng senador na si James Gordon ang naghain ng graft and corruption sa Ombudsman.

vuukle comment

ROLEN PAULINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with