^

Probinsiya

3 utol na paslit, ginilitan ni kuya

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon
3 utol na paslit, ginilitan ni kuya
Kinilala ang mga nasa­wing magkakapatid na sina Gregor, 1-anyos; Alejandro, 5; at June Renz Melibo, 14, ng nasabing barangay.

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid na paslit ang nasawi matapos na ginilitan sa leeg ng kanilang mismong nakakatandang kapatid na lalaki na nagwala dahil lamang sa walang nakahaing pagkain sa Sitio Capanoyan, Brgy. Marcelo, Calatrava sa lalawigan ng Negros Occidental, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga nasa­wing magkakapatid na sina Gregor, 1-anyos; Alejandro, 5; at June Renz Melibo, 14, ng nasabing barangay.

Ayon sa isa pang kapatid ng mga biktima na isang 9-anyos na babae na nakatakas sa insidente, ginilitan ng kanilang kuya na si John Mark, 21-anyos ang kanyang mga utol dakong ala-1 ng hapon gamit ang isang kutsilyo habang wala sa kanilang bahay ang kanilang mga magulang.

Nabatid na naliligo sa ilog ang ama ng mga biktima at ang kanilang ina ay nagtatrabaho sa Metro Manila nang maganap ang krimen.

Ayon sa mga imbestigador, galing sa bukid ang suspek at nagalit sa mga kapatid nang madatnan na hindi nakapaghahanda ng kanilang pagkain. Dahil dito, nagwala ang suspek at isa-isa niyang hiniwa ang leeg ng mga kapatid habang nakatakas ang isa. 

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang tumakas na suspek matapos ang karumal-dumal na krimen. 

vuukle comment

MAGKAKAPATID NA PASLIT ANG NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with