^

Probinsiya

2 ‘Akyat Bahay’ bulagta sa shootout!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang dalawang notoryus na miyembro ng “Akyat Bahay Gang” (ABG) na sangkot din umano sa pagtutulak ng droga matapos na kumasa sa arresting team ng pulisya sa bisinidad ng isang videoke bar sa Bangkerohan, San Pedro District, Davao City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing suspek sa alyas “Dodoy Taba” at “Jessie Moran”, pawang mga notoryus na tulak ng droga at miyembro ng ABG sa lugar.

Sinabi ni Sr. Inspector Ma. Teresita Gaspan, spokesperson ng Davao City Police, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na natiyempuhan sa La Suerte videoke bar  na matatagpuan sa Brgy. 2-A sa Bangkerohan.

Sinabi ni Gaspan, habang isinasagawa ang transaksyon ng droga sa poseur buyer ng pulisya ay nakahalata ang mga suspek na may nakapalibot na parak sa lugar kaya’t agad na binunot ni alyas Taba ang kanyang cal.38 pistol at pinaputukan ang mga pulis. Masuwerte namang hindi tinamaan ang mga operatiba na mabilis na gumanti ng putok na nagresulta sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig at ikinasawi ng dalawang suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang cal. 38 revolver, apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at shabu. (Rhoderick Beñez)

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with