^

Probinsiya

Jailbreak: Inmate todas, 6 nakapuga

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang inmate matapos mabaril ng mga humabol na jailguards samantalang nakatakas naman ang anim pa nitong mga kasamahang preso sa naganap na jailbreak sa Maguindanao Provincial Jail sa lungsod ng Cotabato kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawing bilanggo na si Michael “Meka” Balitoc, akusado sa kasong murder.

Ang mga nakatakas namang inmates ay nakilala namang sina Sindatuk Ampatua, Sadam Montani, Aminodin Maliga, Goli Ma­ngandatong at Thorag Sabal; pawang may kasong may kinalaman sa iligal na droga habang ang isa pa na si Dante Karatuan, bukod sa kasong illegal drugs ay nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) naitala ang pagpuga ng mga preso sa Maguin­danao Provincial Jail na matatagpuan sa kahabaan ng PC Hill, Brgy. Rosary Heights 1 ng lungsod dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Nabatid na sinira ng mga inmates ang kandado ng kanilang selda sa ikalawang palapag ng gusali saka dumaan sa hagdanan hanggang makalabas ang mga ito sa main gate na winasak din ng mga ito ang kandado.

Gayunman habang tumatakas na nagkahiwa-hiwalay ng direksyon sa pagtakbo ay hinabol ang mga ito ng mga jailguards na napilitang magpaputok ng baril bilang war­ning shot kung saan tinamaan ang inmate na si Balitoc na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

JAILBREAK MAGUINDANAO PROVINCIAL JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with