^

Probinsiya

Dalagita na nais kumalas sa nobyo, pinatay

Pilipino Star Ngayon
Dalagita na nais kumalas sa nobyo, pinatay
Ayon sa suspek,nagdilim ang paningin niya nang saktan siya ng dalagita at gustong maki­paghiwalay sa kaniya.Kaya’t sinakal niya ito, pinagsamantalahan at sinaksak.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi umano matanggap ng isang 21-anyos na binata ang pakikipagkalas ng 16-anyos na nobya kaya’t nagawa niya itong patayin at ang bangkay ay itinapon sa isang bakanteng lote sa Brgy.Darasa,Tanauan City, Batangas, nitong Lunes ng alas-11:00 ng gabi.

Ayon sa suspek,nagdilim ang paningin niya nang saktan siya ng dalagita at gustong maki­paghiwalay sa kaniya.Kaya’t sinakal niya ito, pinagsamantalahan at sinaksak.

Ayon sa pulisya na may hinala na sila na ang nobyo ang may kagagawan ng krimen dahil ito pa ang nagsabi kung nasaan ang dalagita dahil sa tracking umano ng cellphone.

Una, nagpaalam ang biktima sa pamilya na katatagpuin ng hapon noong Lunes ang nobyo, pero hindi na siya nakauwi kinagabihan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakita sa palitan ng mensahe ng dalawa sa cellphone ang pag-aaway ng magkasintahan dahil sa lalaking nakilala ng biktima.

Mahaharap sa reklamong murder ang suspek.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with