^

Probinsiya

Pahinante utas sa tubo

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan  , Philippines  — Patay ang isang truck helper makaraang hampasin ng tubo sa ulo ng truck driver nang magtalo habang nag-iinuman sa kanilang garahe sa Barangay Batangas ll Mariveles kamakalawa ng hapon. Ang biktima ay kinilala ni P/Sr.Insp. Larry Valencia, PNP Provincial Information Officer na si Galilio Morcilla alyas “Botching”, 42-anyos, truck helper ng Orion, Bataan habang nakilala naman ang suspek na si Albert de Guzman, 34, binata, truck driver at nakatira sa Bayanihan, Gapan Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng Mariveles Police Station dakong alas-6:00 ng hapon nakikipag-inuman ang suspek sa kapwa niya mga driver at pahinante nang dumating ang biktima na nakihalubilo na rin sa inuman. Habang masayang nakikipag-inuman ay nagkaroon ng pagtatatalo ang suspek at ang biktima hanggang sa umabot sa mainitang pagtatalo na nauwi sa away.

Bumunot ng patalim ang biktima saka inundayan ng saksak ang suspek pero nailagan nito. Sinabi pa sa report tumakbo ang driver sa kanyang truck at kumuha ng tubo sa kanyang pagbalik napuruhan ang biktima ng hampasin nito sa ulo. Duguang natumba ang biktima saka mabilis na isinugod siya ng kanyang mga kasamahan sa Mariveles Medic Hospital subali’t ideneklarang dead-on-arrival. Kasong Homicide ang ipinatong na kaso ng mga otoridad sa driver ng truck na ngayo’y nakapiit sa Mariveles District Jail.

vuukle comment

PATAY

TRUCK HELPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with