^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: 2 patay, 7 sugatan!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawang construction workers ang nasawi habang pito pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang 10-wheeler truck na may kargang backhoe at mga materyales sa Buayan Bridge Malandag sa Malungon, Sarangani kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eric John Kenneth de la Torre, 28-anyos, isang mason, at Bernabe Buli, kapwa residente ng Lower Tamugan, Marilog District, Davao. Kapwa idineklarang dead-on-arri­val sa Malungon Municipal Hospital ang dalawa matapos magtamo ng matinding mga sugat sa ulo at katawan nang madaganan ng mga heavy equipment na karga ng truck. 

Ang mga sugatan ay nakilala namang sina Ariel Ortiz, 39, project engineer; Rudy Pulvera, 48, foreman; Eufoldo Merle, foreman; Rudy Duran, 42, foreman; Reynaldo Macaranda, 37, mason; Arthur Lumantas, 40, mason, pawang sa Davao City at Renny Mangalo, 38, driver, ng Bajada, nasabing bayan.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang mawalan umano ng preno ang cargo truck nang kumurba ito sa nabanggit na lugar hanggang sa mabilis na bumulusok at nahulog sa matarik na bangin. Nagmula sa Maa ang 10-wheeler truck papuntang General Santos nang mangyari ang insidente.

vuukle comment

BANGIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with