^

Probinsiya

13-anyos iskolar ginawang sex slave

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Patung-patong na kasong kriminal ang kinakaharap ng isang negosyante matapos nitong gawing sex slave ang isang 13-anyos na dalagita na kanyang inampon at ginawang iskolar sa Barangay Zamora, Cabarroguis, Quirino kamakalawa. ?

Apat na bilang ng kasong rape ang isinampa sa Department of Justice laban kay Robert Ventura na sinasabing makailang-ulit na humalay kay Remedios (hindi tunay na pangalan), Grade 6 pupil, sa tuwing inuutusan siyang maglinis ng kuwarto ng una.?

Sa sinumpaang salaysay ni Remedios, una umano siyang inabuso ni Ventura noong naka-short pants lamang siya habang kanyang inaayos ang kama ng mag-asawang Ventura noong Mayo 2015.

Sinabi pa ng biktima na nasundan pa ang panghahalay sa kanya ni Ventura sa iba’t-ibang pagkakataon.

Nabatid na sinundo ni Ventura kasama ang kanyang misis si Remedios noong nakaraang taon matapos siyang pumayag na lumipat sa kanilang bahay at maging scholar o kanilang pag-aaralin sa school. ?

Ayon sa biktima pinagbantaan siyang papatayin ni Ventura kapag isiniwalat nito ang panggagahasa na ginawa sa kanya hanggang magkaroon siya ng pagkakataon na makapagsumbong sa Department of Social and Welfare Deve­lopment (DSWD).

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAT

AYON

BARANGAY ZAMORA

CABARROGUIS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SOCIAL AND WELFARE DEVE

REMEDIOS

ROBERT VENTURA

VENTURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with