^

Probinsiya

Restaurant sinuwag ng bus:1 utas, 42 nasugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinarit ni Kamatayan ang isa katao habang 42 ang nasugatan matapos na aksidenteng suwagin ng isang bus ang isang restaurant na nasa tabi ng Maharlika Highway, Sariaya, Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jessa Estimo, 19 sa tinamong malubhang sugat sa katawan partikular na sa paghampas ng ulo nito sa matigas na bagay.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga nasu­gatang biktima na lulan ng bus at kabilang dito ang isang 9-anyos na batang babae na taga Camarines Sur na pinutulan ng kanang kamay bunga ng pagkakaipit nito sa nangyaring trahedya.

Sa ulat ng Quezon Police, naitala ang malagim na sakuna sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Sto. Cristo ng bayang ito pasado alas-12:00 ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon, nag-overtake ang Raymund bus (UWE-723)  na minamaneho ni Leandro Deguito sa unahang behikulo at sa sobrang bilis ng takbo ay sinuwag ang Kabayan Restaurant sa tabi ng highway.

Nabatid na si Estimo ay kasalukuyang natutulog sa loob ng restaurant nang masapol ito.

Ang nasabing bus ay ga­ling sa Lagonoy, Camarines Sur at patungong Cubao, Quezon City.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver ng bus na inaresto.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CAMARINES SUR

JESSA ESTIMO

KABAYAN RESTAURANT

LEANDRO DEGUITO

MAHARLIKA HIGHWAY

QUEZON CITY

QUEZON POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with