^

Probinsiya

Barangay tanod nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 35-anyos na barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay San Placido, Roxas, Isabela kamakalawa. Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP, namataang nakipag-usap ang biktimang si Mario Gaoiran sa mga suspek na isang lalaki at angkas na babae bago ito nakisakay sa kanilang motorsiklo dakong alas-7:30 ng gabi.?Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, binoga ng mga suspek ang biktima habang sakay sa motorsiklo pagsapit sa liblib na highway sa nasabing barangay. Nabatid na nasangkot ang biktima sa ilang personal na away sa kanilang barangay na pinaniniwalaang niresbakan ng nakaaway.

 

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY

BARANGAY SAN PLACIDO

CHIEF INSP

ISABELA

MARIO GAOIRAN

NABATID

PINABULAGTA

ROXAS

VIRGILIO ABILLERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with