^

Probinsiya

Sayyaf ambush: 2 sundalo todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang napatay makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bisinidad ng Barangay Latih sa bayan ng Patikul, Sulu kamakalawa ng hapon. Kinilala  ang dalawang sundalo na sina Pfc. Bryan Sayson ng Kapatagan, Lanao del Norte; at Pfc. Rey Lucasan ng Tambulig, Zamboanga del Sur  na mga miyembro ng Charlie Company ng Army’s 35th Infantry Battalion na nakatalaga sa Latih Detachment. Ayon kay Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, nakasibilyan at lulan ng motorsiklo ang dalawa na pabalik sa kanilang detachment mula sa palengke nang makasalubong si kamatayan. Samantala, nagsagawa ng reinforcement operations ang tropa ng sundalo kung saan nakasagupa ang mga bandido na tumagal ng limang minuto. Narekober sa encounter site ang M16 rifle, cal. 30 automatic rifle at cellphone.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ALLAN ARROJADO

ANG

AYON

BARANGAY LATIH

BRYAN SAYSON

CHARLIE COMPANY

INFANTRY BATTALION

JOINT TASK GROUP SULU

LATIH DETACHMENT

REY LUCASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with