^

Probinsiya

Mag-ina inatado ng sundalo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang mag-ina matapos pagsasaksakin ng 27-anyos na sundalong nagka-war shock kung saan nag-amok kahapon ng umaga sa Barangay Marifosque, bayan ng Pilar, Sorsogon. Naisugod sa Donsol District Hospital ang mag-inang Grace Manzanero at Wyn Gian Manzanero, 5, habang arestado naman ang suspek na si Pfc. Joel Magdalena, 27, ng Barangay Caroyroyan sa bayan ng Pili, Camarines Sur at nakatalaga sa 9th Infantry Division ng Phil. Army sa bayan ng Aroroy, Masbate. Bandang alas-6:30 ng umaga nang mag-amok ang suspek kung saan hinahamon ng away ang mga residenteng makasalubong hanggang sa pumasok ito sa bahay ng mag-ina saka isinagawa ang pananaksak. Pinagtulungan naman arestuhin ng mga barangay tanod at pulisya ang nagwawalang suspek matapos masaksak ang mag-ina.

 

vuukle comment

AROROY

BANDANG

BARANGAY CAROYROYAN

BARANGAY MARIFOSQUE

CAMARINES SUR

DONSOL DISTRICT HOSPITAL

GRACE MANZANERO

INFANTRY DIVISION

JOEL MAGDALENA

WYN GIAN MANZANERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with