^

Probinsiya

Lolo nabitin sa lover 3 apo tinaga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang taas ng libido nakuhang pagtatagain ng isang 49-anyos na lolo ang tatlong paslit na apo ng kanyang live-in partner habang natutulog ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Zone 2, Brgy. Antipolo, Tinambac, Camarines Sur nitong Miyerkules ng mada­ling araw.

Ang suspek na si Jose Frungoso, alyas Felipe, ay nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga otoridad sa bahay ng kapatid nitong si Pedro Frungoso sa Barangay Maysalay, Goa ng nasabing lalawigan.

Patuloy naman na isinasalba sa Bicol Medical Center ang buhay ng mga biktimang sina Princess Mendilla, 9, Frank Errol, 8 at Onaces, 7; mga apo ng live-in partner ng suspek na itinago sa pangalang Melba, tinatayang mahigit 50-anyos.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa bahay ng mag-live-in-partner sa Zone 2, Brgy. Antipolo sa bayan ng Tinambac, kung saan umuwi umano ang suspek na la­sing at nais makipag-sex kay Melba. Ngunit dahil katabi ni nito ang mga apong natutulog ay tumang­gi itong pasi­pingin ang suspek na ikinagalit nito.

Agad umanong kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang mga walang muwang na biktima at saka tumakas.

vuukle comment

BARANGAY MAYSALAY

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CAMARINES SUR

FRANK ERROL

JOSE FRUNGOSO

PEDRO FRUNGOSO

PRINCESS MENDILLA

TINAMBAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with