^

Probinsiya

12-anyos tinamaan ng ligaw na bala

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sugatan ang 12-anyos na binatilyo matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa kanyang likuran sa Barangay Inga, bayan ng Enrile, Cagayan noong bisperas ng Bagong Taon. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Felicito Dulin, hepe ng Enrile PNP, inakala lamang ng biktimang si James Manicad na may bumato lamang sa kanyang likuran kasabay ng alingawngaw ng putok ng baril. Napag-alamang nakaupo sa labas ng simbahan si Manicad kasama ang dalawa pang kaibigan habang nagmimisa ang pari nang maganap ang insidente. Nakakuha ng bahagi ng slug ng cal. 45 pistol ang mga doktor ng Cagayan Valley Medical Center habang patuloy naman ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek na nagpaputok ng baril.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY INGA

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

ENRILE

FELICITO DULIN

JAMES MANICAD

MANICAD

NAKAKUHA

NAPAG

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with