^

Probinsiya

Trike tinangay, driver inutas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 23-anyos na driver matapos itong saksakin at tagain ng mga di-kilalang lalaki saka tinangay pa ang kanyang traysikel na pinapasada sa Sitio Katuday, Barangay Bantug sa bayan ng Roxas, Isabela kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sadam Valdez Gammad ng nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP, lumilitaw na inarkila ng dalawang di-kilalang lalaki ang traysikel ng biktima upang ihatid ang mga ito sa Barangay Simimbaan noong Sabado subalit nabigo na itong makauwi. Tadtad ng saksak at taga sa ulo ang naaagnas na bangkay ng biktima nang matagpuan sa patubig ng palayan sa nasabing barangay. Kasalukuyan pa rin hinihanap ng pulisya ang kinarnap na traysikel ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY BANTUG

BARANGAY SIMIMBAAN

CHIEF INSP

ISABELA

KASALUKUYAN

KINILALA

ROXAS

SADAM VALDEZ GAMMAD

SITIO KATUDAY

VIRGILIO ABILLERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with