^

Probinsiya

Coed nakaligtas sa rape, manyakis sinipa sa ari

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaligtas sa rape ang isang 24 anyos na kolehiyala matapos nitong lakas loob na sipain sa ari ang manyakis na nagtangkang manghalay dito sa isang rubber plantation sa Brgy. Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na itinago ng pulisya sa pangalang Nympha ay isang second year college sa Western Mindanao State University at residente sa lugar.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, mag-isang nag­lalakad si Nympha pauwi sa kanilang tahanan galing sa bahay ng kaniyang kaklase sa madilim na bahagi ng Purok Bangkal, Brgy. Tiayon, Ipil dakong alas -7:20 ng gabi nang harangin sa daan ng suspek.

Agad pinagsusuntok sa sikmura at iba pang bahagi ng katawan ng suspek ang kolehiyala saka kinaladkad sa rubber plantation na habang namimilipit sa sakit ay winasak ang blouse saka hinubad ang pantalon at panty na pinaghihipo pa sa maseselang bahagi ng katawan.

Dali-daling naghubad ang suspek at akmang gagahasain na ang biktima nang maglakas loob ang dalaga na sipain sa ari ang manyakis.

Habang namimilipit sa sakit ang suspek na sapo ang ari ay hubo’t hubad na nagtatakbo ang biktima bitbit ang kaniyang saplot   hanggang sa makarating ito sa may checkpoint ng pulisya at dito na humingi ng tulong. Nabigo namang maaresto ang suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

BRGY

HABANG

NABIGO

NAKALIGTAS

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK BANGKAL

TIAYON

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with