^

Probinsiya

Lalaki kalaboso sa airport bomb joke

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naantala ang biyahe ng isang eroplano sa  Mactan-Cebu International Airport matapos magbiro ang isang pasahero na may dala siyang bomba.

Ayon sa isang ulat sa radyo, inaresto ang 42-anyos na si Arnold Go matapos magbirong may lamang pampasabog ang kanyang bagahe sa loob ng eroplano ng Cebu Pacific ngayong Huwebes.

Sakay na ng eroplano si Go nang ipataas ng flight attendant ang kanyang hand-carry bag sa overhead baggage compartment.

Umalma ang pasahero at sinabing hindi niya maaaring ilagay ang kanyang bagahe sa compartment dahil may laman itong bomba.

Kaagad itong ipinaalam ng flight attendant sa piloto na siya namang nagtawag ng mga awtoridad upang arestuhin si Go.

Wala namang natagpuang bomba sa bagahe ng suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong criminal mischief dahil sa pagbibiro.

Higit 100 pasahero ang naapektuhan ng naturang insidente matapos ma-delay ang kanilang flight.

vuukle comment

ARNOLD GO

AYON

CEBU PACIFIC

HIGIT

HUWEBES

KAAGAD

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

NAANTALA

UMALMA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with