^

Probinsiya

Hostage drama: 2 utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang ang hostage taker at ang misis nito ang nasawi matapos na i-hostage ng naburyong na mister na umano’y may diperensya sa pag-iisip ang kaniyang pamilya sa mahigit dalawang oras na hostage drama sa Brgy. Lumad, Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.

Ayon kay Inspector Dahlan­ Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasawi ay ang ginang na si Marti­niana Rellon, nasa hustong gulang at ang hostage taker nitong mister na si Rene Boy Rellon Sr.

Ang ginang ay nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinasawi habang napatay naman ng mga nag­respondeng operatiba ng pulisya ang suspek nang tangkaing sugurin ng taga ang mga awtoridad.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang ma­ganap ang insidente sa tahanan ng mag-asawa matapos ang mga itong magtalo na nauwi sa pananaga sa nasabing misis na napatay nito .

Kasunod nito ay hinostage ng suspek sa loob ng kuwarto ang mga anak pero nakatakas ang tatlo sa mga bata kung saan ang bunsong si Rene Boy Rellon Jr. ang naiwan.

Matapos ang mahigit dalawang oras pagkaraang ma­bigo ang negosasyon ay napilitan na ang pulisya na pasukin ang silid ma­tapos na masilip sa butas na tatagain na nito ang bunsong anak kaya napilitan na pabu­lagtain na ang hostage-taker.

vuukle comment

AYON

BANDANG

INSPECTOR DAHLAN

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

RENE BOY RELLON JR.

RENE BOY RELLON SR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with