^

Probinsiya

Turistang Swiso uli, kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang turistang Swiso makaraang pagtulungang saksakin ng mga di-kilalang lalaki saka itinapon sa palayan sa Purok 4, Barangay Togbongon, Surigao City, Surigao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Romaldo Bayting, Caraga PNP spokesman ang biktima na si Florian Mayer, tubong Geneva, Switzerland.

Bandang alas-9:45 ng umaga nang matagpuan ng isang residente ang bangkay ni Mayer na duguang nakadapa, na­ka-itim na sando, maong na short at itim na sapatos.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nadiskubreng tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima partikular na sa dibdib, leeg, ulo at nagtamo rin ito ng mga galos sa likuran.

Narekober ang pitaka ng biktima na barya lamang ang laman, driver’s license, credit card, IPhone, gintong kuwintas, silver na pulseras, kaha ng sigarilyo at iba pa.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang sa nabanggit na barangay upang ilihis ang imbestigasyon dahil may mga bakas ng gulong ng sasakyan na nadiskubre.

Pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlo-katao ang nasa likod ng krimen base sa magkakaibang bakas ng paa ang nakita. 

vuukle comment

AYON

BANDANG

BARANGAY TOGBONGON

CARAGA

FLORIAN MAYER

KINILALA

ROMALDO BAYTING

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SURIGAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with