^

Probinsiya

Binuntis ng manliligaw, nag-suicide

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Sa halip na ipagdiwang ang Mother’s Day ay nagpasalubong kay kamatayan ang 28-anyos na babae na sinasabing nabuntis ng kanyang manliligaw matapos itong tu­malon sa ilog sa Barangay Bañga 1st, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon.

Natagpuang nakalutang sa gilid ng Angat River ang bangkay ng biktimang si Karen Batalla ng Hilario Compound, Barangay Sta. Rita sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, hu­ling namataang buhay ang biktima na kausap ang kaibigang si Mary Ann Qubic kung saan ipinagtapat nito na ilang buwang na siyang buntis mula sa manliligaw na may asawang nasa abroad.

Nagpahiwatig din ang biktima na magpapatiwakal dahil sa takot na makara­ting sa kanyang mga kaanak ang pagbubuntis.

Sinubukan pang pakal­mahin ng kaibigan ang ba­lak ng biktimang desperado sa kakaharaping buhay.

Lingid sa kaalaman ni Mary Ann na may masamang balak ang kanyang kaibigan na sinasabing tinungo ang gilid ng nasabing ilog saka nagpasalubong kay kamatayan.

 

vuukle comment

ANGAT RIVER

BARANGAY BA

BARANGAY STA

BULACAN

HILARIO COMPOUND

KAREN BATALLA

MARY ANN

MARY ANN QUBIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with