^

Probinsiya

DPWH, LGUs umaksyon sa pag-apaw ng Taal lake

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines — Umaksyon ang mga lokal na pamahalaan (LGU) kasama ang Departmemt of Public Works and Highways (DPWH) at environmental group para hanapan ng solusyon ang panganib na dulot ng pag-apaw ng Taal Lake.

Nagsama-samang nag-inspeksyon ang mga lokal na opisyal ng Tanauan City at Talisay kasama ang isang environmental group sa paligid ng lawa ng Taal para magsagawa ng hakbang laban sa banta ng panganib na maaaring idulot ng pag-apaw ng tubig mula sa Taal lake.

Kamakailan lang naalarma ang mga residente sa paligid ng Taal lake nang mapansin ang pagtaas ng lebel ng tubig ng isang metro matapos ang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Pinangunahan ni 3rd District Congressman King Collantes, Talisay Mayor Nestor Natanauan at Tanauan City mayor Sonny Collantes ang pag-iinspection sa mga apektadong lugar sa kani-kanilang bayan. Kasama rin ang SAGIP Taal Lake Movement o SATALA, isang environmental group na nangangalaga sa kondisyon ng lawa ng Taal na nanawagan ng agarang aksyon sa tumataas na tubig sa Taal Lake.

Dahil dito, sinabi ni Cong. Collantes na dalawang dredging machine na ang na-deploy sa Pansipit River sa koordinasyon ng DPWH upang alisin ang naipong putik at iba pang materyales na nakahahadlang sa daloy ng tubig. Sumulat na rin siya kay DPWH Secretary Vince Dizon upang hilingin ang agarang pagpapadala ng karagdagang dredging at desilting equipment dahil sa lawak ng kailangang linisin sa lawa.

DPWH

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with