^

Probinsiya

Anak ng negosyante, kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ang 22-anyos na anak na babae ng mayamang negosyante ng mga armadong kalalakihan sa naganap na insidente sa Barangay Gata, bayan ng San Agustin, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente sa kahabaan ng national highway bandang alas-9:15 ng gabi kung saan nagmomotorsiklo ang biktimang si Suzmita Saberon nang harangin ito ng apat na armadong kidnaper.

Sa pahayag ng ilang nakasaksi, ang biktima ay tinutukan ng baril saka puwersahang kinaladkad ng mga suspek sa mabundok na bahagi ng nabanggit na barangay.

Narekober naman ng pulisya ang motorsiklo ng biktima na naiwan sa tabi ng highway.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang grupo at mailigtas ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY GATA

BIKTIMA

DINUKOT

MARTIN GAMBA

NAGSASAGAWA

NAREKOBER

SAN AGUSTIN

SURIGAO

SUZMITA SABERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with