^

Probinsiya

8-anyos nabaril ni kuya, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 8-anyos na batang babae makaraan itong aksidenteng mabaril ng nakatatandang kapatid na lalaki sa naganap na trahedya sa bakuran ng kanilang tahanan sa Brgy. del Pilar, Cabadbaran City, Agusan del Norte noong Biyernes ng hapon.

Idineklarang dead-on- arrival sa Duay Hospital matapos masapul ng magkakasunod na tama ng bala ang biktimang kinilalang si Lyka Latunan Ga-an.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Armando Latunan, 38-anyos, anak ng ina ng biktima sa una nitong asawa.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Martin Gamba, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 13 , naganap ang insidente sa bakuran ng tahanan ng pamilya  na matatagpuan sa Sitio Pirada, Brgy. del Pilar ng nasabing lungsod dakong alas-5 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalaro ang bata sa kanilang bakuran nang dumating sa kanilang tahanan si Delio Guy-an  na hinahanap  si  Armando  at nang magkita ang mga ito ay humantong sa mainitang pagtatalo at sigawan ng dalawang  lalaki.

Sa puntong ito ay bigla na lamang bumunot ng hindi pa natukoy na uri ng baril si Armando at nagpapaputok ng sunud-sunod sa direksyon ni Guy-an na kaaway nito na minalas namang sa kapatid nito sumapul ang bala.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa kasong ito.

 

vuukle comment

ARMANDO

ARMANDO LATUNAN

BRGY

CABADBARAN CITY

DELIO GUY

DUAY HOSPITAL

LYKA LATUNAN GA

MARTIN GAMBA

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with