Mag-ama nahagip ng bus, dedo
NUEVA ECIJA , Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama matapos mahagip ng pampasaherong bus ang kanilang tribike sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Tabuating, bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Naisugod pa sa Gonzales General Hospital subalit namatay din ang mag-amang Andy Tagao, 47; Angeline Tigao, 6, kapwa nakatira sa Barangay Tabuating sa nasabing bayan. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Baliwag Transit Bus (CXM-910) na si Luisito Ortiz, 56, ng Barangay San Roque sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija. Base sa imbestigasyon, tumatawid sa nasabing highway ang mag-amang naka trikebike nang makasalubong si kamatayan bandang als-8 ng gabi.
- Latest